dimo ko maiintindihan.. kasi magkaiba tayo ng utak. hindi ko kasi ma express ito. hindi ko alam kung pano sabihin ng magmumukha itong tama at may sense!
anong mangyayare pagtapon ng limang buwan o taon? asan na ko nun?
kamustan naman kayo nun?
magkakalayo na ba tayo ng tuluyan? di bale may ym naman at telepono. pero iba pa din yung eye to eye contact diba?
natatakot ako... magiging ano na ko? kaya ko kaya? di bale may makukuha naman ako.. madami!
kailan ako makakainom ulit ng buko juice? panlaban sa isang damukal na yosi!
makakaharap ko pa ba kayo ng kumpleto? yung kuentuhan ng pasigaw habang umiikot si kapitan?
makakaupo pa ba ako sa ganitong lugar..? kung san aka naluluk lok ngayon mismo.
natatakot ako sa ibang ulam.. sa ibang amoy ng kapaligiran... sa bagong mga hitsura ng taong di ko kilala at di ko talaga ka closeness..
handa na ba akong mag umpisa sa totoong buhay?
makakatawa pa kaya ako duon gaya ng pagtawa ko dito?
minsan gusto ko ng i fast forward ang buhay ko para mabilis at di ko na maramdaman ang takot..
pero wag na lang! dahil una... wala akong powers na ganon.. pangalawa..yun na un!
alam kong alam mo na kung ano ang gusto kong sabihin sayo...
kaya natin to.. at tayo pa rin ang magkikita sa finals!